JellyPages.com

Sabado, Disyembre 7, 2013

Monster

So Cold.

December na nga talaga....

Kape muna.

What should I write?

Tingin ko panahon na upang mabasa ito ng mga taong nakakasalamuha ko halos araw araw.

Hindi ko na sasabihin na kahit di ako masaya nakangiti ako, lahat tayo ganyan ang peg.


Manhid. maraming sa mga taong kilala ko alam na manhid ako.
Sa lahat ng kurot, hampas at kagaguhang gusto kong gawin sa sarili ko.
Sabi ni Jeremy. "Pre, mag boksing ka kaya bagay ka dun di ka nasasaktan e"
tapos si Alen wiling-wili lagi sa pagkurot sakin dahil di ako nasasaktan.
HAHAHAHAHA o diba? pang Guinness lang.

Pero kahit minsan, tinanong man lang ba nila kung bakit?
Siguro dahil alam nilang sanay ako sa hirap at pang construction ang katawan ko.
Hindi naman sa dramatic ako at self-centered para tanungin pa ng mga tao kung anong bago sa akin everyday.
Siguro mas pinili ko lang na maging malakas dahil sa lahat ng katarantaduhang gagawin sa iyo ng mundo, wala kang magagawa kung hindi ang lumaban at ipagtanggol ang sarili mo.



Pero pati sa babae? Ilang babae na nga ba ang nagsabi? Di ko na rin mabilang. Marami nang umiyak dahil di raw sila pansin at di nakikita.

"MANHID ka."
"Wala kang kwentang tao."
Bakit wala kang girlfriend? Tinamaan ka na rin ba ng sumpa ng Kolehiyo ng Komunikasyon at nakabitaw ka na? Kahit tingnan ang ibang magandang babae hindi mo ginagawa?HAHAHA isipin mo kung anong gusto mong isipin.

Nasanay ang katawan kong maging malakas dahil ang Half-brother ko ay nagtatrabaho rin. Kaya lahat ng utos na nangangailangan ng lakas ng katawan ay ako ang umaako dahil lahat na ng kasama ko sa bahay ay mga babae.
Sinisikap kong makapagpatuloy sa pag-aaral dahil ang Half-siblings ko ang nagtatrabaho para makatapos kami.

Kailangan ba talaga na magka-girlfriend agad? Minsan nalulungkot din ako at nararamdaman kong malaki ang kulang sa pagkatao ko. Pero naisip at lagi kong sinasaksak sa utak ko mahahanap at magkakaroon ka rin sa tamang panahon. Sinabayan na rin siguro ng pagiging torpe ko. Naging priority ko ang pag-aaral kahit hindi halata.
Sa pagtingin sa mga babae, lalo na sa PNR, minsan na minsan lang talaga akong tumingin sa isang babaeng makakasalubong ko.

Sasabihin nila suplado, hindi lang po ako sanay na mag smile sa strangers at kung maganda man anong gagawin ko ngayon? Magiging Girlfriend ko ba siya? Makakausap ko ba siya?

Haayy. Dumako naman tayo ngayon sa pagiging seryoso ng mukha ko.
Describe Miguel:
Seryoso
Creepy
Mysterious
Weird
Loner
Siguro mas napili kong maging mag-isa lagi at naging defense mechanism ng katawan ko ang maging seryoso at mag-isip ng mga bagay-bagay and end up creating problems due to overthinking. At dahil marami rin sigurong hindi nakakaintindi sakin dahil sa pagiging Kpop fan ko.

Kahit napaka self-centered nito at walang intent to change the society,
Maraming salamat sa pagbasa nito at sana ay nasagot nito ang marami sa inyong katanungan.

P.S
Sorry alam kong galit ka sakin dahil sa pagiging manhid ko pero ramdam ko ang ipinararamdam mo. Mayroong ibang tao na mas deserve ang katulad mo. Salamat :D


12 komento:

  1. Sorry I wrote in Filipino.
    I'll try my best to write in English next time :)

    TumugonBurahin
  2. marami ding nagsulat sa tagalog migs so don't worry. it's a nice blog btw :)

    TumugonBurahin
  3. bakit parahas tayo ng title miguelllllliii??? mwahaha meant to be! charaught!

    but i do think that being self-centered isn't much of a problem when writing. duh! start with your self... ;D

    TumugonBurahin
  4. Ayos lang naman na isulat ito in Filipino, wala naman akong sinabing restrictions, Miguel. :) Kurutin kaya kita, masasaktan ka kaya? :)

    TumugonBurahin
  5. Ang ganda. :D Wag mo nang isipin kung anong iniisip ng ibang tao. Gusto kong halukayin 'yung buong pagkatao mo.. o__O pwede ba? :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sige lang Giselle :)
      basta't huwag lang kayong pahalata ni Jonel kapag pinag uusapan niyo ako...
      hahahaha kung may itatanong ka ako tanungin mo...

      Burahin
  6. FRVR SEATMATE *cheatmate* Ayun, may romantic side ka rin pala. Yiiie nahihiya akong makipag-usap sayo sa mga ganitong bagay e. Baka kasi sapakin mo ko. Lol.

    TumugonBurahin
  7. Miguel!! Okay lang naman na ganyan ka, atleast youre being yourself ;) Ang dami kong gustong malaman sayooo!! Magshare ka nga minsan!! Btw, sino yung nasa dulooo? Hmmmm.. Hahahaha =)))

    PS Dont overthink things kasi masstress ka lang ;)

    TumugonBurahin